I. Pamahalaan
A. Ang pamahalaan ay isang organisasyon na may kapangyarihan na
gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo.
B. Kapangyarihan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga
mamamayan ng nasasakupang teritoryo.
C. Institusyon na nagsasakatuparan sa mga mithiin at layunin ng taong
bayan.
II. Mga Uri ng Pamahalaan
A. Batay sa kayarian o bilang ng mga namumuno sa pamahalaan.
1. Monarkiya – Ang kapangyarihan ng pamamahala ay nasa kamay
ng iisang tao lamang. Maaaring hari o reyna o emperador ang
pinuno sa pamahalaan.
Dalawang uri ng Monarkiya:
a. Lubos na Monarkiya – Walang hangganan ang kanyang
kapangyarihan dahil walang sinusunod na saligang batas.
b. Monarkiyang Konstitusyonal – Tinatakdaan ng saligang-
batas ang kapangyarihan ng hari o reyna. Ang hari ay
punong simbolikal lamang at ang kapangyarihan ay nasa
kamay ng pangkat.
2. Totalitaryanismo – Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang
diktador o pangkat ng iilang taong makapangyarihan. Tumutukoy
ito sa mga estadong kumukontrol sa halos lahat ng aspeto ng kilos na publiko o pribado. Hindi nila pinapayagan ang mga gawain na hindi nakatutulong sa pagkamit ng mga tunguhin ng estado.
3. Awtoritaryanismo – Ang pamamahala ay nasa isang tao o grupo
ng mga tao na may lubos na kapangyarihan.
a. Aristokrasya – Mga elitista, mayayaman at may mataas na
katayuan sa lipunan ang makapangyarihan.
b. Oligarkiya – Pinamumunuan ng ilang lider na di naman
Kabilang sa mga pinunong may pribilehiyo.
c. Plutokrasya – Pinamumunuan ng ilang mga mayayamang
Tao.
4. Diktatoryal – Pinamamahalaan ng isang...
No comments