Sa isang malayong kaharian
Kung saan naghahari ang pagmamahalan
Inyong matatagpuan
Napakaraming magkasintahan
Iba’t-ibang pares ang nasa local
Karamiha’y alipin at kawal
Mayroon din namang kasama’y mangangalakal
Naririyan din ang sundalong ito ang kasintaha’y babaeng normal
Nang dahil nga sa kanilang pagbibigayan
Ibang reyno, anu pa’t hindi nila maging kaibigan?
Ngunit sa hindi malaman na kadahilanan at kaparaanan
Dumating ang hindi inaasahan
Dal’wang pamahalaang magkatabi
Nagkaroon ng hidwaang inyong masasabi
Na sadyang malubha at matindi
Dahil walang kapayapaan kahit sa tahimik na gabi
Dito’y nagsimula pagkasira ng kapatiran
Nabuwag, nagkaroon ng alyansa, napalitan
Nagising ang di pagkakaunawaan
Kaya’t umanib sa tinging nasa katuwiran
II. Pagtunog ng Hudyat
"Pangako ako’y magbabalik sinta ko!”
"Humayo ka na, magtungo sa linya mo at tugunin ang serbisyo
At walang dapat ipag-alala dahil, pangako, ako ay sa iyo”
Salitang inihandog sa isa’t-isa habang pigil ang luha sa pagtulo
III. Ang Bata’y Sumulat
Lumaganap na ng husto ang gulo
Naghari ang mga lilo
Kasiyaha’y hindi tumatagal ng minuto
Sapagkat takot ang nadarama ng lahat ng tao
Kahariang dati’y dahil sa pagmamahalan ay payapa
Puno ng pagbibigayan ang buong madla
Di ko matanto na kapagdaka
Sa isang iglap ay mababalot ng masama!
Nang dahil sa umuusad na digmaan
Buhay namin dito ay sadyang walang patutunguhan!
Lalo na’t ang pananatiling buhay ay sukat ng katapangan at kapangyarihan
Maglalaho ang buhay ng mga mahihinang walang kasalanan at kinalaman!
O kaya naman Ginoo,inyo bang napagwari?
Minsan bang naisip habang nagdidilidili?
Kung ang digmaan at alitan ay manatili
Babagsak din ang agila kasama ang mga kakampi!
IV. Pagbabalik: Pagsalubong ng Hinanakit
Nagwakas ang digmaan
Namatay ang di-pagkakaunawaan
Muling nagising ang pagbibigayan
At nagharing ulit ang pagmamahalan
No comments